Hanggang Saan?

Nag-lakad ako tungo sa kawalan. Sa kawalan na tila naglalaban ang puti at itim na ilaw. Isang hakbang tungo sa anino ng kadiliman, tatlong hakbang sa liwanag. Saan ang tungo, saan hahakbang ang mga paang pagod, ang damdaming pasan ang emosyong tila naging bato, pusong maga na nasa aking palad.

Sa banging kinatatayuhan, hangin ay humahampas sa kaluluwang ligaw. Sinasagip ang sarili upang pagkahulog ay maiwasan. Nasaan ka ba? Hanggang saan? hanggang kailan? Hanggang kailangan tatakbuhan ang saya iyong harapan?

Tila ang  lahat sa iyong harapan ay di sapat. Di sapat upang maging matapang. Di sapat upang manatili at hawakan ang kamay na duguan mula sa dibdib na bukas. Nasaan? Hanggang saan, hanggang saan tatakbo, hanggang saan.. Hanggang kailan ang pag-iwas na nariyan sa iyong harapan.

Ako’y hahayo, ihahakbang, ilalakad ang aking mga paang pagod, Sa damaming ito na tila pinakakawalan sa hangin, ako’y lilipad sa mundo ng liwanag at dilim. Palalayain ang duguang kamay mula sa pulang likidong umaagos sa dibdib, paang pagod, damdaming pasaan, pusong maga.

Sasagipin ang sarili, hahakbang pabalik, palayo sa banging mataas. Ihahakbang ng paa. Tatlong hakbang tungo sa liwanag. Gagamutin ang damdamin, tatahiin ang sugat. Sa oras na ito ang Hanggang Saan ay hanggang dito nalamang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s