Ano Ba Talaga?

Naglalakad ako pero sumusunod ka
tumigil humakbang humarap sayo
Mata mo’y titig saaking mukha
nangungusap na kung sila ay makapag-
sasalita lang, sasabihing, maari bang
ako’y sumabay?

hinakbang ang mga paa, naglakad
patungo doon sa kung saan.
sa aking likuran, ika’y sumasabay
Ano ba talaga?
Hindi ko ma intindihan sa bawat yabag
ng aking mga paa, ika’y sumasabay
ang aninong aking kasabay
ngayon’ dalawa na
Ano ba talaga?

Sa paglipas ng araw,
ang kaluluwa mo’y lumalapit
pumapasok sa aking pagkatao
Bakit? Bakit ka nariyan,
Bakit ka nandiyan?
Ano ba talaga?

Huminto sa dalampasigan
minulat ang mga mata, aking nakita
mukha mong kay ganda.
ang palad mo nasa palad ko
espasyo sa bawat pagitan ay napalitan
ng bawat daliri ng iyong kamay
nais sumigaw ng puso ko..
Ano ba talaga? Bakit? Kailan? Paano?

O aking mahal, sabihin sa akin.
bigkasin ng iyong labi mga kinukubli,
kataga, mensahe nang iyong mata, nang
iyong kaluluwa, ng iyong puso.
ako ba’y tama? o ito’y isang malaking katha
katha ng aking isip, katha ng aking dibdib

O mahal, ano ba talaga?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s